^

Probinsiya

Pulis itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Patay ang 29-anyos na bagitong pulis habang sugatan naman ang isang babae matapos tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Agoncillo, Batangas noong Martes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si PO1 Niño Marlou Atienza ng Barangay Subic Ibaba sa nasabing bayan at naka-assign sa San Nicolas PNP.

Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Jocelyn Gregorio, 46, ng nasabing barangay.

Sa report na isinumite kay P/Senior Inspector Norman Cas-oy, hepe ng Agoncillo PNP, papauwi na si PO1 Atienza sakay ng SUV pick-up (ZNY-286) nang pagbabarilin pagsapit sa Barangay Subic Ibaba bandang alas-3:52 ng hapon.

Bagama’t sugatan na, nakapagmaneho pa papalayo ang biktima pero nalagutan din ito ng hininga hanggang sa bumangga sa traysikel na sinasakyan ni Gregorio.

Nagtamo rin ng sugat sa kaliwang braso si Gregorio matapos tamaan ng ligaw na bala.

Narekober sa crime scene ang 21- basyo ng cal. 45 pistol habang tinangay naman ng gunmen ang bag ng biktima. Arnell Ozaeta

vuukle comment

AGONCILLO

ARNELL OZAETA

ATIENZA

BARANGAY SUBIC IBABA

GREGORIO

JOCELYN GREGORIO

MARLOU ATIENZA

SAN NICOLAS

SENIOR INSPECTOR NORMAN CAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with