^

Probinsiya

Mag-amang trader pinabulagta

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang mag-amang negosyante matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kanilang tindahan ng yelo sa Barangay Poblacion, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang mag-amang sina Renato Dizon, 58, negosyante; at Rosemarie Dizon, 23, guro sa pribadong paaralan at kapwa nakatira sa Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jericho Faigmane, dakong alas 8:30 ng magkunwaring bibili ng tipak na yelo ang gunmen sa bahay ng mga biktima.

Gayon pa man, habang binubuksan ng mag-ama ang tindahan ay niratrat ng isa sa tatlong gunmen habang ang dalawa naman ay nagsilbing lookout.

Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang sinisilip naman ang anggulong may kinalaman sa negosyo  ng mag-ama ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BRGY

BULACAN

GAYON

JERICHO FAIGMANE

MERCADO MEMORIAL HOSPITAL

NAPATAY

RENATO DIZON

ROGASCIANO M

ROSEMARIE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with