^

Probinsiya

14-anyos lunod sa beach resort

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagsalubong sa Bagong Taon ng 14-anyos na estudyanteng bakasyunista matapos itong malunod sa beach resort sa bayan ng San Fabian, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Ed Paul Cemitara ng Makati City na nagbakasyon lamang sa nabanggit na bayan kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Bandang alas-3 ng hapon nang mawala ang biktima habang naliligo kasama ang pamilya nito sa beach resort sa Barangay Nibaliw West sa nasabing bayan. Agad namang humingi ng tulong ang utol na si Mary Lorlaine sa pulisya kaya inilatag ang search and rescue operation. Natagpuan naman ang biktima na lumulutang  sa dagat matapos ang ilang oras na paghahanap na bagama’t naisugod pa sa ospital ay idineklara na itong patay.

vuukle comment

BAGONG TAON

BANDANG

BARANGAY NIBALIW WEST

ED PAUL CEMITARA

KAPASKUHAN

KINILALA

MAKATI CITY

MARY LORLAINE

NATAGPUAN

SAN FABIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with