^

Probinsiya

Welder tinodas, 1 pa grabe

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang 29-anyos na wel­der habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraang pagbabarilin sila ng dalawang hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem na mga salarin sa Purok 2, Brgy. Bala­ring, General Natividad sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang namatay na biktima na si Philip Gamboa, 29, may-asawa at welder ng  Brgy. Balaring ng bayang ito.

Nakilala naman ang sugatang biktima na si Juanito Reyes, 35, may-asawa at welder din ng nasabing barangay. Nagtamo naman ng mga tama ng bala sa gawing kanan ng kanyang kanang binti at gawing pigi na nilalapatan nang lunas sa  Dr. Paulino Garcia Hospital sa Cabanatuan City.

Nabatid na matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang dalawang suspek sa direksyon ng bayan ng Rizal sa nasabi ring lalawigan. Iniimbestigahan na ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BALA

BALARING

BRGY

CABANATUAN CITY

DR. PAULINO GARCIA HOSPITAL

GENERAL NATIVIDAD

INIIMBESTIGAHAN

JUANITO REYES

PHILIP GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with