^

Probinsiya

Rapist ng UPLB student, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahulog na sa kamay ng pulisya ang tricycle driver na itinurong suspek sa panggagahasa sa isang estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa isinagawang follow-up operation sa bayan ng Calauan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office (PPO) director Senior. Supt. Florendo Saligao ang nahuling suspek na si Jose Montecillo,  alyas Joey.  Ang suspek ay nahuling  nagtatago sa bahay ng tiyahin nito dakong alas-12:45  ng madaling araw sa Calauan.

Positibo namang kinilala ng 17- anyos na biktimang estudyante na itinago sa pangalang Maryanne  ang suspek. Ang biktima ay lumabas na sa hospital pero may trauma pa rin sa sinapit na panghahalay ng suspek.

Ang kaso ng panggagahasa sa biktima ay inihayag nitong Huwebes ng pangasiwaan ng UPLB na humingi ng tulong sa pulisya para sa agarang pagkakadakip sa suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi noong Miyerkules habang pauwi ang nasabing estud­yante matapos na manood ng quiz bee nang sumakay ito sa kolorum na tricycle ng suspek sa Brgy. Maahas, Los Baños. Hindi ito sumakay sa terminal sanhi umano ng mahabang pila.

Gayunman sa halip na ihatid ay dinala ng suspek ang biktima sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa IPB Road, Brgy. Putho Tuntungin ang lugar din   kung saan ginahasa at pinaslang ang UPLB coed na si Given Grace Cebanico noong Oktubre 2011.  Matapos gahasain ay iniwan ng suspek ang biktima na nakasuot na lamang ng underwear pero binitbit ang damit nito sa pagtakas.

Inihayag ni Saligao na natukoy ang suspek matapos na magtungo ang pulisya sa hospital upang dalawin ang misis nito na bagong panganak.

Sa inisyal na interogasyon, inamin ng suspek na ginahasa niya ang estuyante pero itinangging nasa impluwensiya siya ng alak at droga. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek.

vuukle comment

BRGY

CALAUAN

FLORENDO SALIGAO

GIVEN GRACE CEBANICO

JOSE MONTECILLO

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

PUTHO TUNTUNGIN

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with