^

Probinsiya

Senglot nakipag-sex sa aso, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 36-an­yos na mister na may kakaibang sex trip makaraang maaktuhang nakiki­pag-sex sa aso ng kanilang kapitbahay sa Barangay Cubacub, Mandaue City, Cebu noong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Giovanni Gacusan ng Canduman PNP, inireklamo ang suspek na si Danilo Udto,  tubong Ubay, Bohol ng kanyang kapitbahay na si Salvador Secuya dahil sa pangmomolestiya sa kanyang aso.

Napag-alamang nakipag-inuman ang suspek sa isang habal-habal driver at nang malasing ay nagpaalam na ito kung saan napagtripang halayin naman nito ang aso na nakatali sa harapan ng bahay ni Secuya.

Naalimpungatan naman si Secuya matapos na marinig ang pang-ungol ng aso kung saan laking gulat nitong naaktuhan ang suspek na nakikipag-sex sa alagang aso.

Agad nitong hinila ang suspek palayo sa  nakagapos na aso saka idinala sa himpilan ng pulisya para ireklamo.

Gayon pa man, ilang oras ang nakalipas ay pi­nalaya ang suspek dahil tumangging ipursige ni Se­cuya ang demanda dahil sa pagkaawa kung saan nagbayad pa ito ng P500 dahil sa paglabag ng suspek sa city ordinance on drunkenness. – Freeman News Service

vuukle comment

ARESTADO

ASO

BARANGAY CUBACUB

DANILO UDTO

FREEMAN NEWS SERVICE

GIOVANNI GACUSAN

MANDAUE CITY

SALVADOR SECUYA

SECUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with