^

Probinsiya

Chief mechanic dinukot ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang 39-anyos na chief mechanic habang pinagbabaril at napatay naman ang assistant nito matapos tangkaing tumakas sa panibagong paghahasik ng karahasan sa bayan ng Patikul, Sulu.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Abraham Orbita, director ng Sulu PNP office, kinilala ang dinukot na chief mechanic na si Ronald Pelegrin habang napaslang naman ang assistant na si Dante Avilla, 29.

Ayon sa opisyal, ni-raid ng mga bandido ang motorpool ng compound ng provincial government noong Sabado ng gabi habang  wala namang nagawa ang mga kawani sa matinding takot.

Agad na sinunggaban ng mga bandido sina Pelegrin at Avilla kung saan ay nagsitakas ang mga ito matapos butasin ang bakod ng nasabing compound.

Gayon pa man, tinangkang tumakas ni Avilla kaya pinagbabaril ng mga nairitang kidnaper habang nagawa namang matangay si Pelegrin patungo sa direksyon ng kagubatan.

Samantala, humingi na ng P15 milyong ransom ang mga kidnaper kapalit ng kalayaan ni Pelegrin habang patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

ABRAHAM ORBITA

ABU SAYYAF GROUP

AVILLA

AYON

DANTE AVILLA

DINUKOT

PELEGRIN

RONALD PELEGRIN

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with