^

Probinsiya

Trader natangayan ng P1-M

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Tinatayang aabot sa P1 mil­yong payroll ang tinangay ng dalawang di-kilalang lalaki makaraang holdapin ang 50-anyos na negosyante sa harap ng kanyang bahay kamakalawa ng umaga sa Purok 1, Barangay Bagsabas, bayan ng Daet, Camarines Norte. Bandang alas-10 ng umaga nang holdapin ang biktimang si Engr. Carlito Torero habang ito ay papasok ng gate ng kanyang bahay. Hindi na nakapalag ang biktima dahil sa takot na barilin ng dalawang holdaper. Napag-alamang nag-withdraw sa banko ng malaking pera ang biktima para sa payroll ng kanyang mga kawani. Kaagad na tumakas ang mga holdaper patungo sa direksyon ng Barangay Awitan sa bayan ng Talisay.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY AWITAN

BARANGAY BAGSABAS

CAMARINES NORTE

CARLITO TORERO

DAET

KAAGAD

NAPAG

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with