^

Probinsiya

Pulis itinumba sa badminton

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines   – Na­patay ang 42-anyos na pulis makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins habang nakikipaglaro ng badminton sa kanyang anak na babae sa Barangay Natividad North, bayan ng Cabiao, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga.

Hawak ang raketa ng badminton nang bumagsak sa sementadong kalsada ang biktimang si SPO3 Joseph Miranda ng Barangay Maligaya, at naka-assign sa Regional Comptrollership Division-R6 NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Nabatid na bandang alas-7 ng umaga nang lapitan at ratratin ang biktima habang naglalaro ng badminton sa kanyang anak na babae.

Nang makumpirmang patay ang biktima, isa ang bumasag sa likurang salamin ng Mitsubishi Mirage (UFQ-384) ng biktima saka naghalughog at tumakas.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, may ibang babaeng naging karelasyon ang biktima na taga-Malolos City, Bulacan kung saan minsan na umanong naaresto at nakulong ang dalawa sa kasong concubinage noong 2010.

Ayon pa sa ulat, madalas na umanong nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima na sinasabing mula sa mister ng kanyang naging karelasyon.

vuukle comment

BARANGAY MALIGAYA

BARANGAY NATIVIDAD NORTH

CAMP BAGONG DIWA

JOSEPH MIRANDA

MALOLOS CITY

MITSUBISHI MIRAGE

NUEVA ECIJA

REGIONAL COMPTROLLERSHIP DIVISION

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with