^

Probinsiya

Bala bayad sa utang

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang isang 41-anyos na mister matapos itong  pagbabarilin makaraang maningil ng pautang sa mga suspect, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Luy-a, Aroroy, Masbate. Nakilala ang biktima na isinugod sa Masbate Provincial Hospital na si Richard Francisco, 41, residente ng Brgy. Jaboyoan ng naturang bayan. Samantala, ang mga suspek naman na nagsitakas papalayo sa lugar ay kinilalang sina Janjan Rabosa at  Kling-Kling Medina at isa pang di-nakikilalang suspek.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-4:00 ng hapon nang magtungo ang biktima   sa bahay ng suspek na si Janjan upang singilin nito   si Kling-Kling sa utang. Gayunman, ikinagalit umano ng suspect ang ginawang paniningil sa kanya ng biktima kaya kaagad itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang huli. Matapos ang ginawang pamamaril ay mabilis na nagsitakas papalayo ang mga suspect dala ang ginamit na baril.

 

vuukle comment

AROROY

BATAY

BRGY

GAYUNMAN

JABOYOAN

JANJAN RABOSA

KLING-KLING MEDINA

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

RICHARD FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with