^

Probinsiya

6-anyos totoy lasog sa bus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng 6-anyos na totoy makaraang masagasaan at makaladkad ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Purok San Isidro, Barangay Poblacion, bayan ng San Pablo, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, bumabagtas ang pampasaherong bus (JVC 788) na minamaneho ni Michael Puyos nang biglang magtatakbong tumawid sa highway ang nagla­larong biktimang si Jaylord Abanales. Eksakto namang paparating na ang bus kaya  nahagip ang bata kung saan minalas pang makaladkad ng ilang metro. Isinailalim na sa kustodya ng San Pablo PNP ang driver ng bus kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

EKSAKTO

ISINAILALIM

JAYLORD ABANALES

MICHAEL PUYOS

NAGKALASUG

PUROK SAN ISIDRO

SAN PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with