^

Probinsiya

Shootout: 2 todas sa sabungan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  â€“ Dalawa-katao ang napatay makaraang sumiklab ang barilan  sa loob ng sabungan sa Barangay Anyatam, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Marsolito Reyes, 42, dating pulis na nakatalaga sa San Miguel PNP at nakatira sa Barangay Salangan; at Miguelito Dela Cruz, 38, tagapag-alaga ng manok na pag-aari ni Chairman Gener Lopez ng Barangay Labne sa bayan ng San Miguel.

Sa ulat ni P/Supt. Angel Garcillano na isinumite kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, pinagbabaril hanggang sa mapatay ni Dela Cruz si Reyes matapos magsalubong sa labas ng Anyatam Cockpit Arena.

Nagkataon namang nasa labas ng sabungan ang naka-off-duty na si SPO2 Willy Apostol ng Pasig City PNP kaya agad na rumesponde matapos makarinig ng putok ng baril.

Sinubukang arestuhin ni SPO2 Apostol ang gunman na si Dela Cruz subalit maging siya ay pinutukan na nauwi sa shootout.

Narekober sa crime scene ang cal. 45 pistol, belt bag na naglalaman ng 4 plastic sachets ng shabu na pag-aari ni Reyes at isa pang  cal.45 pistol na pag-aari naman ni Dela Cruz habang inirekomenda naman ni P/Senior Supt. Divina na gawaran ng on-the-spot promotion si SPO2 Apostol dahil sa maaga nitong pagresolba sa naganap na krimen.

 

vuukle comment

ANGEL GARCILLANO

ANYATAM COCKPIT ARENA

APOSTOL

BARANGAY ANYATAM

BARANGAY LABNE

BARANGAY SALANGAN

CHAIRMAN GENER LOPEZ

DELA CRUZ

FERDINAND DIVINA

SAN MIGUEL

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with