^

Probinsiya

Mag-utol, 2 pa nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang mag-utol ang namatay sa naganap na magkakahiwalay na pagkalunod sa North Cotabato, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.

Base sa ulat, ang mga bangkay ng mag-utol na bata ay natagpuang lumulutang sa kanal noong Huwebes matapos ang malalakas na pag-ulan sa Barangay Tibao, bayan ng M’lang.

Kinilala ang magkapatid na Roniel Jeff Brania, 8; at Shelron Jave Brania, 5.

Pinaniniwalaang natangay ng malakas na agos ng tubig baha ang mag-utol habang tumatawid sa kahabaan ng kanal sa gitna na rin ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Samantala, natagpuan din sa ilog ang bangkay ng habal-habal driver na si Wilson Abensay, 53, sa Barangay Luna Norte, Makilala noong Biyernes ng umaga.

Narekober  ang motorsiklo ng biktima na may dalawang kilometro ang layo sa kinatagpuan sa bangkay nito.

Kasunod nito, ikaapat na natagpuan naman ang bangkay ng di-kilalang residente makaraang malunod at anurin sa Kabacan River, bayan ng President Roxas noong Sabado ng umaga.

 

vuukle comment

APAT

BARANGAY LUNA NORTE

BARANGAY TIBAO

KABACAN RIVER

NORTH COTABATO

PRESIDENT ROXAS

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RONIEL JEFF BRANIA

SHELRON JAVE BRANIA

WILSON ABENSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with