^

Probinsiya

2 utas sa karahasan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao  ang napatay habang isa naman ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na pananaksak at pamamaril sa bayan ng Alicia, Isabela at bayan ng Tubao, La Union kamakalawa. 


Kinilala ni P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP ang napatay na si Julius Ceasar Garcia,19, habang kritikal naman ang kanyang kaibigan na si Anson Asuncion, 20, ng Barangay Antonino. 


Lumalabas sa imbestigasyon na sinamantala ng suspek na si Jay Ar Santos na makatulog ang magkaibigang lango sa alak saka pinagbabaril sa tindahan ng litson. Ayon sa ulat, tinanggihan ng dalawa na pautangin ng pera ang suspek habang nag-iinuman kaya nagtanim ng galit saka isinagawa ang pamamaril.

Tinangay ng suspek ang mga cellphone ng dalawa at ang koleksiyon sa tindahan na P1,620 bago tumakas.
 Gayon pa man, nasakote ang suspek matapos ituro ng kanyang nobya ang kinaroroonan nito.

Samantala, napaslang ang 33-anyos na si Jeffrey Cabalitasan makaraang saksakin ng kanyang kainumang si Gerald Laron, 46, dahil sa pagkapikon sa sobrang pagkalango sa alak sa Barangay Garcia, bayan ng Tubao, La Union.
 Namatay ang biktima habang ginagamot sa  La Union Medical Center habang kusa naman sumuko ang suspek matapos ang krimen.

 

vuukle comment

ALICIA

ANSON ASUNCION

BARANGAY ANTONINO

BARANGAY GARCIA

CHIEF INSP

EDILMAR ALVIAR

GERALD LARON

JAY AR SANTOS

JEFFREY CABALITASAN

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with