^

Probinsiya

Mag-ina sabay naglason

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Nagdesisyon ang 56-anyos na ina na isama na lamang sa kanyang kamatayan ang binatang anak na may sakit sa pag iisip sa takot iwanan ito na mag-isa at walang mag aaruga matapos nilang tunggain ang softdrinks na may lason sa Barangay Soyung, bayan ng Echague, Isabela noong Linggo.


Kinilala ni P/Chief Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echa­gue PNP ang mag-ina na sina Elnora Nicolas at Christopher Nicolas, 25, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na may iniindang karamdaman ang biyudang ina at takot na iwanan ang anak na nag-iisa sa buhay sa kanilang tahanan.


Gayon pa man, nagtungo ang mag-ina sa pampublikong sementeryo at sabay na tinungga ang softdrinks na hinaluan ng lason sa daga.


Kaagad namatay ang anak na sinasabing may deprensya sa pag-iisip habang ang ina naman ay nalagutan na ng hininga matapos isugod sa pagamutan.

 

vuukle comment

BARANGAY SOYUNG

CHIEF INSP

CHRISTOPHER NICOLAS

ECHA

ECHAGUE

ELNORA NICOLAS

GAYON

ISABELA

MELCHOR ARIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with