^

Probinsiya

6 timbog sa buy bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Kalaboso ang anim na katao matapos na maaktuhan ng pulisya na nagsasagawa ng  pot session sa loob ng isang bahay sa Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan kagabi.

Patung -patong na kaso ang kinakaharap ng mga suspek na sina Michael Bernabe, 34; Liberlin Lucas, 34; Kimberly Castro, 22; Bernardo Madula, 44; Norwin Fabian, 31 at Mary Grace Reyes. 44.

Base sa ulat na nakarating kay Provincial Director P/SSupt. Joel Orduña dakong alas- 11:30 ng gabi ay isang impormante ang nag-ulat hinggil sa nagaganap na pot session ng ilang katao sa loob ng bahay ni Bernabe sa Brgy. Tiaong at ng makumpirma ay dito na isinagawa ang operasyon.

Habang papasok ang mga kagawad ng Bulacan Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force sa loob ng bahay ay dito na naaktuhan ang anim na katao na nagsa-shabu na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito kung saan narekober din ang ilang gramo ng shabu at mga drug paraphernalias nito.

vuukle comment

BERNARDO MADULA

BRGY

DRUG SPECIAL OPERATION TASK FORCE

JOEL ORDU

KIMBERLY CASTRO

LIBERLIN LUCAS

MARY GRACE REYES

MICHAEL BERNABE

NORWIN FABIAN

PROVINCIAL DIRECTOR P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with