^

Probinsiya

Bayan sa North Cotabato niyanig ng 2 pagsabog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasunod na pagsabog ng bomba ang yumanig sa bayan ng Pikit sa North Cotabato nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Senior Inspector Jojie Nicolas, hepe ng Pikit municipal police, walang nasugatan sa magkasunod na mga pagsabog ngunit mag-iwan ang mga ito ng matinding takot sa mga residente.

Sumabog ang unang bomba malapit sa isang ginagawa pa lamang na gym na may ilang metro ang layo sa Cotabato-Davao Highway.

Habang humahangos ang mga pulis at sundalo, isa pang bomba ang sumabog may ilang metro lamang ang layo sa ginagawang gym.

Isa pang improvised explosive device ang natagpuan ng mga awtoridad 'di kalayuan sa pinagtaniman ng dalawang bombang sumabog.

Halis limang oras ding isinara ng mga awtoridad ang highway habang tinitiyak na wala nang iba pang bomba na nakatanim sa lugar.

Ayon kay Captain Tony Bulao, tagapagsalita ng 602rd Brigade ng Philippine Army, kumikilos na ang kanilang mga tauhan upang tulungan ang pulisya sa imbestigasyon ng magkasunod na pagsabog.

Inaalam pa ng pulisya kung aling grupo ang sangkot sa pambobomba.

vuukle comment

AYON

CAPTAIN TONY BULAO

COTABATO-DAVAO HIGHWAY

HABANG

HALIS

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

PIKIT

SENIOR INSPECTOR JOJIE NICOLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with