15-anyos itinumba ng pulis

CAVITE, Philippines – Napatay ang 15-anyos na binatilyo na inakusahang magnanakaw ng cell phone matapos itong ratratin ng isang pulis sa bisinidad ng Barangay Longos, Zapote 5, Bacoor City, Cavite  kamakalawa.

 Kinilala ni P/Supt. Rommel Estolano, hepe ng Bacoor City PNP ang biktima na si Allan Soreda habang pinaghahanap naman ang supek na si SPO1 Armando Belaro, 45, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa imbistigasyon ni SPO1 Ronaldo Orozco, lumilitaw na nawala ang cell phone ng suspek kung saan may nakapagsabing ang biktima ang tumangay.

Gayon pa man, namataan ng suspek ang biktima na papalabas ng bahay kaya dalawang ulit na pinutukan ng baril.

Narekober sa bahay ng suspek ang uniporme nitong pulis na may ranggong SPO1 habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments