^

Probinsiya

2 tauhan ng solon itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Magkasunod na pinabulagta ang dalawang tauhan ng solon matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa labas ng Cauayan City Hall sa Barangay District 2 kahapon ang umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ma­riano Rodriguez ang mga biktima na sina Romeo Mariano, 45, ng Brgy. Burgos, bayan ng Alicia; at Benito Armijola Jr., 39, ng Brgy. Villa Magat sa bayan ng San Mateo, Isabela at sinasabing kapwa miyembro ng security team ni Isabela 3rd District Rep. Pol Dy

Nabatid sa ulat na nakatayo ang dalawa sa labas ng Cauayan City Hall nang biglang lapitan at ratratin ng gunman na nakasuot ng helmet.

Napag-alamang hinihintay ng mga biktima ang pagbubukas ng korte para dumalo sa kanilang kaso na kinasangkutan kung saan pansamantalang hindi muna isiniwalat ng pulisya.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

vuukle comment

BARANGAY DISTRICT

BENITO ARMIJOLA JR.

BRGY

CAUAYAN CITY HALL

DISTRICT REP

ISABELA

POL DY

ROMEO MARIANO

SAN MATEO

VILLA MAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with