^

Probinsiya

Ambush: 2 patay, trader sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang driver ng biyudang negosyante ang napatay sa naganap na madugong pananambang ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Kinasang-an, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Apat na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Wolfrando Pagador, 47, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa na kasamahan gunmen ng mabaril at napatay ng bodyguard ni Amor Pelenia na si Angelo Alega.

Samantalang si Pelenia, 52, pension house owner ay nasugatan at naisugod sa pagamutan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Greyhound  Subdivision habang papauwi si Pelenia kasama ang driver nitong si Pagador at bodyguard na si Alega ay lulan ng Mitsubishi Pajero.

Nabatid na kapapasok pa lamang sa nasabing subdibisyon ang sasakyan ni Pelenia nang harangin at ratratin ng dalawang armadong lalaki kung saan napuruhan ang driver na si Pagador.

Sina Pelenia at Alega ay kapwa nakaupo sa hulihang bahagi ng sasakyan.

Nagawang makaganti ng putok ng baril si Alega kung saan napatay ang isa habang nakatakas ang isa pa.

Narekober sa crime scene ang 21-basyo ng cal. 45 pistol, cal. 9mm pistol at helmet ng isa sa gunmen.

vuukle comment

ALEGA

AMOR PELENIA

ANGELO ALEGA

BARANGAY KINASANG

CAMP CRAME

CEBU CITY

MITSUBISHI PAJERO

PELENIA

SINA PELENIA

WOLFRANDO PAGADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with