Christmas tragedy: 4 patay, 1 kritikal

CAVITE, Philippines  â€” Masaklap na Kapaskuhan ang sumalubong sa apat na sibilyan makaraang itong mamatay sa naganap na madugong sakuna sa kahabaan ng  General Emilio Aguinaldo Highway sa Barangay Crossing East West, Tagaytay City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Jamil Ampuan, 22, ng Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas, Ca­vite; Manilyn Quinzon, 23, ng Mary Cris  Complex, Barangay Salitran; Paysalin Benito ng Barangay Datu Esmael; Renilyn Peñaranda, 20, ng Blk 2, Lot 41, South Homes, Brgy. Salitran; habang kritikal naman  si Jelil Ampuan, 16, ng Barangay Datu Ismael, Dasmariñas City.

Ayon kay PO3 Semdam Sitchon, magkakasama ang mga biktima sa Toyota Corolla (UAK 826) nang  sumalpok sa kongkretong pader sa gilid ng Ge­neral Emilio Aguinaldo Highway pagsapit sa nasabing barangay bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Jamil kaya tuluyang bumaliktad at nagpaikut-ikot bago sumalpok sa sementadong pader.

Pinaniniwalaang nakaid­lip ang driver sa pagmamaneho kaya naganap ang trahedya habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments