^

Probinsiya

Police station nasunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa na-over charge na laptop, nasunog ang investigation section ng Zamboanga City Police Station 7 kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta. Maria ng lungsod. Sa ulat ng Zamboanga City Police, dakong ala-1 ng hapon ng magsimulang lamunin ng apoy ang nasabing himpilan partikular na ang Investigation Section.

Mabilis namang nagresponde sa lugar ang mga bumbero mula sa Sta Maria fire station at naapula ang sunog matapos ang mahigit 30 minuto.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa nasabing insidente bagaman nasunog ang mga computer at mga dokumento na gamit sa imbestigasyon ng mga pulis na nakatalaga dito.  Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na isang laptop na nakalimutang alisin sa outlet ang charger ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

BRGY

CITY

DAHIL

INVESTIGATION SECTION

MABILIS

STA MARIA

WALA

ZAMBOANGA CITY POLICE

ZAMBOANGA CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with