^

Probinsiya

2 patay sa ‘killer bus’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   â€“ Sinalubong ni kamatayan ang dalawang sibilyan na lulan ng motorsiklo matapos itong mabangga at makaladkad ng pampasaherong bus sa  kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay Bagong Silang, bayan ng Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang dalawa dahil sa tindi ng mga tinamong sugat sa ulo at katawan nina Jimmy Millares, 25; at Cesar Comple, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi ay tinatahak ng dalawang lulan ng motorsiklo ang Quirino Highway nang tumbukin ito ng Manila bound na JVH-Bus (EBY-547) na minamaneho ni Gener Bataller ng Albay. Nakaladkad pa ng may 50 metro ang mga biktima bago huminto ang bus kung saan sumuko naman ang driver.

 

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY BAGONG SILANG

CESAR COMPLE

GENER BATALLER

JIMMY MILLARES

NAKALADKAD

QUEZON

QUIRINO HIGHWAY

SINALUBONG

TAGKAWAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with