Mag-asawang trader bulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng mag-asawang trader makaraang masalpok ng trak ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Sta. Rosa, bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Calixto Labang, hepe ng Gamu PNP, ang mag asawa na sina Carlo Presa at Emily Presa na kapwa nakatira sa Barangay District 3 sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya,  sinakop ng motorsiklo ng mag-asawa ang kabilang linya ng kalsada pagsapit sa kurbadang highway kaya nakasalubong at nasalpok ng trak na minamaneho ni Walter Semana, 54, ng Claveria, Cagayan. Arestado naman ang driver ng trak na si Semana kung saan nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

Show comments