^

Probinsiya

5-anyos ni-rape slay ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 5-anyos na nene matapos itong halayin ay brutal pang pinagpapalo sa ulo ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa sa Purok Tambulian sa Barangay Malim, bayan ng Tabina, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas- 5:30 ng u­maga nang madiskubre ang bangkay ni Wishe Bodiongan sa madamong bahagi ng nasa­bing lugar.

Ang biktima ay may pa­latandaang minolestiya at may mga pukpok ng matigas na bagay sa ulo, duguan ang maselang bahagi ng katawan at tadtad ng mga sugat at pasa sa katawan.

Base sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima na naglalaro malapit sa bahay ng suspek bago iniulat na nawawala noong Sabado.

Arestado naman ang suspek na si Roger Cuadero, 29, matapos na lumutang ang testigo na makakita na inaakay ang bata patungo sa magubat na bahagi ng nasabing barangay.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY MALIM

CAMP CRAME

NAPAAGA

PUROK TAMBULIAN

ROGER CUADERO

SABADO

TABINA

WISHE BODIONGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with