^

Probinsiya

2 todas sa holdapan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Dalawa-katao ang iniulat na napatay makaraang barilin ng dalawang di-kilalang lalaki na nangholdap sa pampasaherong van sa Sitio Baduyaan, Barangay Bayombon sa Masbate City, Masbate kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang mga na­patay na sina Dennis Jazul ng Aroroy, Masbate; at Jeffrey Ylaran, 26, security guard ng Faith Micro Financing at rakatira sa  Barangay Itom-Bato sa bayan ng Cawayan.

Sa police report na nakarating kay P/Se­nior Supt. Culbert Sison, Masbate PNP director, lulan ng pampasaherong van (WPIII) ang mga biktima nang magdeklara ng holdap ang dalawang di-kilalang lalaki.

Tinangkang agawin ng holdaper ang bag na nag­lalaman ng malaking halaga na hawak ni Cristine Parado subalit sinaklolohan ito ng kasamahang sekyu na si Ylaran.

Dito na pinagbabaril ng mga holdaper ang sekyu kung saan nadamay naman si Jazul. Nakatakas naman ang mga holdaper na ta­ngay ang mala­king halaga matapos na bumaba at sumakay sa motorsiklong nakaparada sa nasabing lugar.

vuukle comment

BARANGAY BAYOMBON

BARANGAY ITOM-BATO

CRISTINE PARADO

CULBERT SISON

DENNIS JAZUL

FAITH MICRO FINANCING

JEFFREY YLARAN

MASBATE

MASBATE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with