^

Probinsiya

6 katao pinagbabaril, grabe

Tina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite , Philippines– Anim katao kabilang ang isang 15 anyos na estudyante at isang retiradong Philippine Air Force (PAF) ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng isang nag-amok na magsasaka sa Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina: Lorenzo Paiton, magsasaka; Allan Icasiano; Romullo Abiog, 52, ret. Phil Airforce; Tonton Glumal, 15 anyos estudyante; Nelson Nepomuceno, 40 at Arnel Velasco, tricycle driver pawang mga residente ng nasabing lugar.

Tumakas naman ang suspek tangay ang baril na ginamit na nakilalang si Saveniano Glumal alias Ben  nasa hustong gulang, magsasaka at kapitbahay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ni PO2 Archie Arceo may hawak ng kaso, alas-9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa lugar matapos sumugod ang nag-amok na suspek at pagbabarilin ang mga biktima ng dala nitong cal. 45 pistol.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang tumakas na suspek. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ’di pa mabilang na basyo ng bala ng naturang armas.

 

vuukle comment

ALLAN ICASIANO

ARCHIE ARCEO

ARNEL VELASCO

LORENZO PAITON

NELSON NEPOMUCENO

PHIL AIRFORCE

PHILIPPINE AIR FORCE

ROMULLO ABIOG

SAN AGUSTIN

SAVENIANO GLUMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with