^

Probinsiya

Pekeng abogado kalaboso

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 73-anyos na pekeng abogado makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang pulisya ang suspek na si Virgilio Mejia ng Barangay New San Jose sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Audie Atienza, ang suspek ay inaresto matapos ang entrapment operation kung saan nagpanggap na nagpagawa ng affidavit of loss ang pulis na si PO1 Jemer Tablang. Walang maipakitang kaukulang dokumento na nagpapatunay na ang suspek ay lehitimong abogado na matagal nang nagnonotaryo. Ayon kay Janice Piga, inamin naman ng suspect na binigyan siya ng karapatan ng isang abogado na magnotaryo subalit walang maipakitang kredensiya at magpapatunay na pasado bilang lawyer.

vuukle comment

AUDIE ATIENZA

AYON

BARANGAY NEW SAN JOSE

DINALUPIHAN

JANICE PIGA

JEMER TABLANG

PORMAL

REHAS

SENIOR SUPT

VIRGILIO MEJIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with