^

Probinsiya

NGCP tower pinasabog, gumuho: Malawakang brownout naranasan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

SULTAN KUDARAT, Maguindanao, Philippines - Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga residente matapos bombahin at gumuho ang isa sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Office Col. Dickson Hermoso, ang pagpapasabog ay nagresulta  sa malawakang brownout na naranasan ng Cotabato City at karatig probinsiya tulad ng North Cotabato na nakakaranas ng rotating brownout na umaabot sa anim na oras kada araw.

Nabatid na dalawang improvised explosive device na gawa sa bala ng 81mm mortar ang itinanim ng mga armadong kalalakihan sa paligid ng NGCP tower number 168 sa Kilometer 14, Barangay Ladia sa bayan ng Sultan Kudarat.

Wala namang napaulat na namatay o nasugatan sa nasabing pagsabog.

 Agad namang kinordon ng tropa ng militar ang blast site upang tiyaking ligtas sa anumang banta pa ng pagpapasabog kung saan  gumuho ang nasabing tower.

Ipinakalat na ang mga elemento ng 2nd Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) at 17th Maguindanao Civilian Armed Auxiliary (CAA) sa nasabing lugar upang magsagawa ng security at foot patrol operation.

 

vuukle comment

BARANGAY LADIA

COTABATO CITY

DICKSON HERMOSO

INFANTRY DIVISION PUBLIC AFFAIRS OFFICE COL

MAGUINDANAO CIVILIAN ARMED AUXILIARY

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

SPECIAL CIVILIAN ARMED AUXILIARY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with