^

Probinsiya

6 tulisan sa highway, dakma

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Anim na kalalakihan na sinasabing notor­yus na tulisan sa highway ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Pampanga kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Her­mes Hernandez ng Brgy. Malibong Bata; Jonie Oton ng Brgy. Pinagkuartelan; Romeo Argenio ng Brgy. Bagbaguin sa bayan ng Pandi; Joey Estrada ng Brgy. Bañga 2nd; Elmer Agustin, at si Alex Lie De Guzman na kapwa nakatira sa  Brgy. San Pablo sa San Simon, Pampanga.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, ang mga suspek ay nanghydyak ng delivery truck na may lulang mga manok na nagkakahalaga ng P.6 milyon. Gayon pa man, sa follow-up operation ay nasakote ang tatlong suspek sa Barangay Balasing sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Samantala, ang tatlong iba pa ay naaresto naman sa Barangay San Pablo, bayan ng San Simon, Pampanga.

Narekober sa mga suspek ang tatlong baril, motorsiklo, at isang SUV (UJI 989) na sinasabing gamit ng mga suspek.

vuukle comment

ALEX LIE DE GUZMAN

BARANGAY BALASING

BARANGAY SAN PABLO

BRGY

BULACAN

ELMER AGUSTIN

JOEY ESTRADA

JONIE OTON

PAMPANGA

SAN SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with