^

Probinsiya

Inuman niratrat: 1 utas, 4 sugatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   - Kinalawit ni kamatayan ang 26 anyos na lalaki samantalang sugatan naman ang 4 nitong mga kaibigan matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Lipa City, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Sa police report na nakara­ting kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director, kinilala ang napatay na si Ronnie Catindig, 26, ng Purok 1, Brgy. Mabini, Lipa City.

Sugatan naisugod sa Mary Mediatrix Hospital at Lipa District Hospital sina Ramilito Eguia Jr., 23; Lester Liwanag,17; Darwin Icaro,19; at Dondon De Silva, 23, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nag-iinuman ang mga biktima kasama ang dalawa pang barkada na sina Jeffrey Silva at Marlon Lupig sa harapan ng tindahan nang lapitan at pagbabarilin ng tandem assassins.

Mabilis na tumakas ang tandem patungo sa town proper kasunod ang dalawa pang motorsiklo na sinasabing kasabwat sa krimen.

Nakarekober sa crime scene ang tatlong basyo at tatlong slugs ng cal. 45 psitol.

vuukle comment

BATANGAS

DARWIN ICARO

DONDON DE SILVA

JEFFREY SILVA

LESTER LIWANAG

LIPA CITY

LIPA DISTRICT HOSPITAL

MARLON LUPIG

MARY MEDIATRIX HOSPITAL

RAMILITO EGUIA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with