^

Probinsiya

Brodkaster itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang brodkaster ang napaslang matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng gasoline station sa kahabaan ng highway sa bayan ng  Kabasalan, Zamboanga Sibugay noong kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, PRO-9 spokesman, idineklarang patay sa Kabasalan Hospital sa tinamong tatlong tama ng bala sa dibdib ng biktimang si Mario Baylosis, 33.

Si Baylosis ay brodkaster sa Radio Natin na nakabase sa nasabing lalawigan at nakatira sa Barangay Goodyear sa nabanggit na bayan.

Naganap ang pana­nambang sa harapan ng Phoenix Gasoline Station sa Barangay Salipsayin bandang alas-11: 25 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat nina P/Insp. Rustom Romina at P/Senior Insp. Rico Pondol, lulan ng pulang motorsiklo ang biktimang papauwi mula sa programa nito sa radyo nang sundan ng tandem.

Pagtapat sa biktima ay agad itong pinagbabaril kung saan tumakas matapos na tumilapon sa motorsiklo ang duguang biktima.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

BARANGAY GOODYEAR

BARANGAY SALIPSAYIN

CHIEF INSP

KABASALAN HOSPITAL

MARIO BAYLOSIS

PHOENIX GASOLINE STATION

RADIO NATIN

RICO PONDOL

RUSTOM ROMINA

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with