^

Probinsiya

Backhoe operator, 3 pa natabunan sa trashlide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natabunan sa tambak ng basura ang isang backhoe operator at 3 pang manggagawa matapos na aksidenteng  gumuho ang isang pribadong sanitary landfill sa Rodriguez, Rizal nitong Biyernes ng hapon.

 Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario,  kinilala ang mga biktima na Gary Balahibo, backhoe ope­rator at mga kasamahan nitong manggagawa na sina Pablito Esto, Rodivico Ohod at Eddie Malano .

Bandang alas-3:45 ng hapon ng maganap ang pagguho ng  sanitary landfill sa Brgy. Isidro ng bayang ito.

Agad namang nagres­ponde sa lugar ang search and rescue team upang hanapin ang mga nawawalang biktima sa naganap na trahedya.

Samantalang nagawa namang makaligtas ng ilan ng mga itong kasamahan na siyang nag-report ng insidente sa mga awtoridad.

Gayunman nitong Bi­yernes ay pansamantalang inihinto muna ang search and rescue operations dahilan sa banta ng panibagong trashlide sa lugar.

Nitong Sabado ay muling ipinagpatuloy ang search and rescue operations sa mga nawawalang biktima.

 

vuukle comment

BANDANG

BIYERNES

EDDIE MALANO

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

GARY BALAHIBO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NITONG SABADO

PABLITO ESTO

RODIVICO OHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with