^

Probinsiya

Mag-utol todas sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa magkapatid na bata makaraang matupok ng apoy ang kanilang bahay dahil sa paglalaro ng gasera, kamakalawa ng hapon sa Barangay De la Paz, Antipolo City, Rizal. Nakilala ang magkapatid na sina Tracy Mergano, 3; at John Eric, 2.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Orlando Anduyan, Rizal PNP director, naganap ang sunog dakong alas-4:30 ng hapon sa inuupahang maliit na bahay ng pamilya Mergano sa  #970 Lanzones St., Phase 1V-B.

Nabatid na pinaglaruan ng mag-utol ang gasera hanggang sa matumba ito at agad na sumiklab ang foam na kanilang inuupuan.

Lumabas pa ng bahay ang ina ng mag-utol makaraang marinig ang sigaw ng mga kapitbahay ng sunog upang tignan kung saan ang apoy.

Subalit nagulat nang makita na ang kanyang bahay mismo ang nasusunog. Ilang minutong nakipaglaban sa apoy ang mga bumbero hanggang sa mailabas ang mag-utol.

Si Tracy ay namatay sa suffocation habang nasawi naman sa Qurino Labor Hospital si John Eric dahil sa tinamong sugat sa katawan.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY DE

JOHN ERIC

LANZONES ST.

ORLANDO ANDUYAN

QURINO LABOR HOSPITAL

RIZAL

SENIOR SUPT

SI TRACY

TRACY MERGANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with