^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo dedo sa trak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 40-anyos na municipal environment officer makaraang masagasaan ng truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Lacdayan sa bayan ng San Narciso, Quezon kamakalawa ng gabi. Basag ang bungo at nagkabali-bali ang buto ni Allan Razon habang naaresto naman ang driver ng trak na si Randy de Torres, 38, ng Barangay Dalahican, Lucena City. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi habang naglalakad sa gilid ng highway ang biktima nang bigla na lamang nabundol ng trak na sinasabing nawalan ng preno. Nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima bago huminto ang trak kung saan tumakas pa ang driver subalit sa followup operation ay nadakip din.

vuukle comment

ALLAN RAZON

BARANGAY

BARANGAY DALAHICAN

BARANGAY LACDAYAN

BASAG

LUCENA CITY

NAKALADKAD

QUEZON

SAN NARCISO

TRAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with