^

Probinsiya

Killer ng principal timbog

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY , Philippines –Naaresto ng mga kagawad ng pulisya ang sinasabing ‘gunman’ sa pagkapaslang sa 62-anyos na school principal na pinatay ilang araw bago ang araw ng pasko noong nakalipas na taon sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Walter Castillejos, Nueva Ecija Police Provincial Director, ang nahuling suspek na si Henry Talplacido ng Zaragoza.

Nadakip si Talplacido ng mga operatiba ng Aliaga Police sa kahabaan ng Del Pilar St., Barangay Sta. Lucia, Zaragoza, Nueva Ecija.

Sinabi ni Castillejos na si Talplacido ang itinuturong bumaril kay Nila Mactal, school principal ng Zaragoza National High School habang nagwawalis  ng mga tuyong dahon ng puno sa loob ng compound ng kanilang tahanan sa bayan ng Aliaga.

Ayon sa ulat, bigla na lamang pumasok sa compound ang suspek bandang alas-10 ng umaga noong Disyembre 22 at walang sabi-sabing bigla na lamang  pinaputukan ng ilang beses ang biktima.

Agad na isinugod ang biktima sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas.

 

vuukle comment

ALIAGA

ALIAGA POLICE

BARANGAY STA

CABANATUAN CITY

DEL PILAR ST.

HENRY TALPLACIDO

NILA MACTAL

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with