^

Probinsiya

Lola pinatay sa gulpi ng apo

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Cebu , Philippines  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng lola matapos itong pagpapaluin ng kanyang apong lalaki bago pinagnakawan sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Unidos sa bayan ng San Francisco, Cebu sa Camotes Island noong Biyernes ng umaga.

Kasalukuyang tugis ng pulisya ang suspek na si Florencio Donaldo Jullisca, 34, na tumakas matapos gulpihin at mapatay ang kanyang lola na si Francisca Donaldo.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ng pulisya, magkasamang umiinom ng alak ang maglola nang sermunan ng matanda ang apong magsasaka.

Dito nagalit ang suspek at kinompronta ang kanyang lola kung saan nauwi sa matinding bangayan.

Hindi na nakapagtimpi ang suspek sa tinuran ng matanda kaya nagawang pagpapaluin sa ulo hanggang sa mawalan ito ng malay at tuluyang mamatay. 

Ayon pa sa pulisya, nagkalat naman ang mga ari-arian ng biktima kung saan nawawala ang P2,000 cash na sinasabing tinangay ng suspek.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY UNIDOS

BIYERNES

CAMOTES ISLAND

CEBU

DITO

FLORENCIO DONALDO JULLISCA

FRANCISCA DONALDO

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with