^

Probinsiya

Mister pinugutan ng kainuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Philippines  – Napatay ang 55-anyos na mister matapos itong pugutan ng kainumang lolo sa Barangay San Ignacio sa nasabing lungsod kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Bobby Bucad, hepe ng pulisya, ang biktima na si Flaviano Tamano Jr. ng Barangay Sta. Barbara sa nabanggit na barangay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na magsasakang si Vicente Mamauag, 68. Ayon sa ulat, nagtalo ang dalawa dahil sa pulutang isda na paninda  ng biktima. Dahil sa kapwa lango sa alak ay pinagtataga ng suspek ang biktima kung saan halos humiwalay na ang ulo sa kanyang leeg. Sumuko naman ang suspek kay Chairman Artemio Baymosa matapos ang krimen.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN IGNACIO

BARANGAY STA

BOBBY BUCAD

CHAIRMAN ARTEMIO BAYMOSA

DAHIL

FLAVIANO TAMANO JR.

KINILALA

NAPATAY

VICENTE MAMAUAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with