Sekyu tinodas sa minahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang personal na alitan kaya pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang 39-anyos na security guard ng ’di-kilalang lalaki habang ito ay nasa minahan na sinasabing pag-aari ng Filminera Resources Corp. sa Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate kahapo nng madaling araw. Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rolando Riva, may asawa, security guard ng NC Lanting at nakatira sa Barangay Lahong  sa bayan ng Baleno, Masbate. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments