^

Probinsiya

Misis itinumba sa puntod ng ina

Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kamata­yan ang sinapit ng 36-an­yos na misis matapos barilin ng ’di-kilalang lalaki sa puntod ng kanyang ina sa sementeryo sa bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Linggo ng umaga.

Nasapol sa ulo ang biktimang si Marilyn Perez, may tatlong anak, hiwalay sa asawa at nakatira sa Barangay Mercado sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, dinalaw ng biktima ang puntod ng kanyang ina na inilibing noong Sabado ng Oktubre 27 sa Sto. Rosario Ceme­tery na nasa likuran ng Sto. Rosario Church.

Habang nagdarasal sa harap ng puntod ng ina ay lumapit at inakbayan ang biktima pagkatapos ay pinaputukan ito sa ulo.

Agad na bumulagta ang biktima habang ang kasamang pamangking si Jessica ay nagsisigaw at humingi ng saklolo, ngunit tinutukan din siya ng baril ng suspek.

Gayon pa man, hindi idinamay si Jessica, sa halip ay pinaputukan pa ng dalawang beses ang biktima para masigurong napatay.

Ang biktima at pamangkin ay magkasamang nagsimba bago tuluyang dumalaw sa puntod ng ina kung saan nakasalubong naman si kamatayan sa loob ng nasabing semen­teryo habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MERCADO

BULACAN

GAYON

HABANG

JESSICA

MARILYN PEREZ

ROSARIO CEME

ROSARIO CHURCH

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with