Karpintero nangisay sa kuryente

QUEZON, Philippines - Nangisay at namatay ang 42-anyos na karpintero matapos na makuryente habang inaayos ang bahay ng kanyang kapitbahay sa Barangay Nieva, General Luna sa Quezon kamakalawa ng umaga. Ayon sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang paandarin ng biktimang si Alexander Palata ang grinder para gawin ang bahagi ng bahay ni Teodorico Rey. Aksidente namang napadikit sa talop na linya ng kuryente ang grinder kaya nagkikisay ang biktima kung saan naisugod pa sa ospital subalit namatay din.

Show comments