^

Probinsiya

Baby tinodas ng yaya

- Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines — Maagang sinalubong ni kamatayan ang 7-buwang gulang na sanggol na lalaki matapos isubsob sa kama ng kanyang yaya kamakalawa ng gabi sa Villa Hermosa, Barangay Buhay-na-Tubig sa bayan ng Imus, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Alan Reyes,dakong alas-12:50 ng gabi nang madiskubre ng inang si Carmela Francisca Del Monte ang biktimang si Marco Enrigue na nakasubsob sa higaan nito.

Arestado naman ang suspek na si Bernadette Alcantara­, 18, tubong Legazpi City, Albay.

Nabatid na noong Sabado ng gabi ay iniwan ng ina ang kanyang anak sa suspek para pumasok sa trabaho.

Subalit kinagabihan ay nadatnan na lamang nito sa bahay na nakasubsob ang kanyang baby sa higaan at hindi na humihinga.

Mabilis niya itong isi­nugod sa MCI Hospital su­balit idineklarang patay.

Sa follow-up operation ay nasakote ang suspek habang nakikipag-usap sa kanyang kaibigan kaugnay sa hinihiram na pera.

vuukle comment

ALAN REYES

ALBAY

ARESTADO

BARANGAY BUHAY

BERNADETTE ALCANTARA

CARMELA FRANCISCA DEL MONTE

CAVITE

LEGAZPI CITY

MARCO ENRIGUE

VILLA HERMOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with