^

Probinsiya

Kapitan kinatay ng kagawad

- Tony Sandoval - The Philippine Star

LOPEZ, Quezon, Philippines – Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang Brgy. Chairman matapos na pagtatagain ng kasamahang Brgy. Kagawad sa malagim na insidente sa Brgy. Sta Lucia ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Holy Rosary Hospital ang biktimang si Nestor Ayque, 57, incumbent Barangay Captain matapos na magtamo ng malalalim na sugat sa katawan.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Brgy. Kagawad Eduardo Solas, 50 taong gulang.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng tahanan ni Flor Villar habang nakatayo sa lugar ang biktima.

Ayon sa pulisya, nang makita ng suspek na noo’y kasalukuyang nakikipag-inuman sa kapitbahay ni Villar ang biktima ay agad itong tumayo.

Walang sabi-sabing sinugod umano ng suspek na armado ng gulok ang nabiglang kapitan at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang duguang bumagsak sa lupa.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente kasabay  ng pagsasampa ng kasong murder sa kagawad.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CAPTAIN

BRGY

FLOR VILLAR

HOLY ROSARY HOSPITAL

INAALAM

KAGAWAD

KAGAWAD EDUARDO SOLAS

NESTOR AYQUE

STA LUCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with