Komadrona pisak sa trak

BULACAN, Philippines – Nagwakas ang pagiging komadrona ng 58-anyos na dalaga makaraang mapisak sa loob ng kotse na sinalpok ng dump truck sa Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Rogaciano M. Mendoza Memorial Hospital ang biktimang si Editha Sta.Ana habang ginagamot naman ang sugatang pamangkin nito na si Daniel Remz Tolentino, 12, estudyante at kapwa nakatira sa Brgy. Mag-asawang Sapa sa nabanggit na bayan. Samantala, naaresto naman ang driver ng truck na si Armando Sabandal, 29, kawani ng Everest Farm sa Brgy. Bulac. Ayon kay PO3 Ernesto Janapin Jr, ihahatid sana ng biktima ang kanyang pamangkin sa eskuwelahan lulan ng kotse (TEB544) nang salpukin ng trak (RDM210).

Show comments