Mag-asawa niratrat

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Malubhang nasugatan ang mag-asawang negosyante matapos pagbabarilin ng kanilang kapitbahay na sinasabing bodyguard ng alkalde dahil sa mabahong amoy ng kanilang sasakyan sa Barangay District 2 sa bayan ng Gamu, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Noel Patalittan, hepe ng Pulisya ng Gamu ang mag-asawa na sina Jomar at Edna Guzman. Samantala, maagap namang itinanggi ni Gamu Mayor Fernando Cumigad na bodyguard niya ang suspek na si Efren Bartolome subalit inaming kawani ito ng Public Safety Office ng kanyang tanggapan. Nabatid na nakipagtalo ang suspek sa mag-asawa kaugnay sa mga sasakyang masansang na ipinarada sa kanilang lugar na malapit sa kanyang bahay. Nauwi sa pamamaril ang komprontasyon habang tumakas naman ang suspek.  

Show comments