Misis tinodas sa pagkanta

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling pagkanta sa videoke ng 23-anyos na misis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang lalaki noong Biyernes ng gabi sa Barangay Puting Bato, Cabadbaran City, Agusan del Norte. Dead-on-the spot ang biktimang si Geraldine Pabia na niratrat sa loob ng kanyang bahay dakong alas-8 ng gabi. Lumilitaw na nagkakatuwaan sa pagbi-videoke ang biktima at dalawang kapatid nitong babae nang biglang pasukin at pagbabarilin. Mabilis namang tumakas ang gunman matapos na mapabulagta ang misis  na duguang dinatnan ng humahangos na mister nitong si Arnel Pabia na narinig ang putok ng baril pero nabigong makilala ang killer.

Show comments