^

Probinsiya

9 anyos binoga ng kalaro

- Joy Cantos -

Manila, Philippines -  Patay ang isang 9 anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mabaril ng 10 anyos nitong kalaro habang nasugatan naman ang nakatatandang ka­patid na batang babae ng una sa malagim na insidente sa bayan ng Maasim, Sarangani nitong Huwebes ng umaga.

Sa phone interview, kinumpirma ni Sarangani Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Florendo Quidilla Jr.,  na-dead-on arrival sa Maasim Emergency Hospital ang biktimang si Sayson Tunday.

Si Sayson ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang braso na naglagos sa kaniyang katawan habang kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kapatid nitong si Coralyn Tunday, 10 anyos na may tama naman ng bala sa kaliwang balikat.

 Ayon kay Quidilla, pasado alas-10 ng umaga habang naglalaro ang tatlong bata sa Purok III, Brgy. Nomo, Maasim ng mangyari ng trahedya matapos mapagkamalan ng suspek na itinago sa pangalang Alex, 10 anyos na laruan ang kinuha nitong baril na isang cal 5.56 rifle.

Narinig naman ng kanilang mga kasambahay ang putok ng baril at inabutang nakahandusay ang duguang mga biktima.

Sa kasalukuyan, ayon kay Quidilla ay inaalam na nila ang may-ari ng baril na ginamit ng batang suspek upang panagutin sa krimen habang isinailalim rin sa kustodya ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD).

vuukle comment

CORALYN TUNDAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOP

DIRECTOR P

FLORENDO QUIDILLA JR.

MAASIM

MAASIM EMERGENCY HOSPITAL

QUIDILLA

SARANGANI PROVINCIAL POLICE OFFICE

SAYSON TUNDAY

SI SAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with