Bading kinatay ng lover

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 22-anyos na ba­ding matapos itong tadtarin ng saksak ng kaniyang lover sa loob ng Cafgu detachment sa Barangay Guinhalinan sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Logalao Silvarez ng Purok 2 sa nasabing bayan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si James  Ocquias, 27, ng Barangay Malixi, Tagbina.

Sa ulat ng Caraga PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang maaktuhan ng biktima ang kaniyang lover sa loob ng detachment kaya sinita niya ito pero sa halip na magpaliwanag ay isinagawa ang pananaksak.

Nakatakbo palabas ng kampo si Silvarez pero hinabol ito ng suspek at muling pinagsasaksak hanggang sa mapatay.

Hindi naman nilinaw ng pulisya kung anong ginagawa ng suspek at ng menor-de-edad sa loob ng detachment nang makita ng biktima.

Show comments