Chairman tumba sa tandem

MANILA, Philippines - Sabog ang bao ng ulo ng 60-anyos na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay San Andres sa bayan ng Umingan, Pangasinan kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulo tumama ang bala ng cal. 45 pistol na naglagos sa teynga ni Chairman Maximo Peralta ng Barangay San Juan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kasama ng biktima si Primitivo Javillonar sa service vehicle sa kahabaan ng national highway nang sumulpot at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Nagawa namang makababa ng sasakyan si Javillonar na nagtatakbo sa takot na madamay kaya nakaligtas sa pamamaril.

Show comments