^

NBI agent bulagta sa ambush

- Ni Mer Layson () - May 14, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napaslang ang 43-anyos na agent ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang tambangan ng tatlong di-kilalang kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Mayamot sa Antipolo City, Rizal kamaka­lawa ng hapon.

Napuruhan sa leeg, mukha at idineklarang patay sa Antipolo Medical Center si Atty. Leandro Yanguas y Taborda, 43, NBI agent ng V.V. Soliven Ave sa Ba­rangay Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Sa ulat ni PO3 Ginnie San Antonio ng Antipolo PNP, naganap ang pana­nambang dakong alas-3 ng hapon habang nagmamaneho ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (ZPE-530) may ilang metro lamang ang layo sa sariling bahay.

Nabatid na patungo sana sa pinakamalapit na fastfood chain ang biktima para magmeryenda kasama ang babaeng na nakilalang si Mariel Almario, 26.

Dito na sinalubong at niratrat ng tatlong kalalakihan na lulan ng motorsiklo ang biktima habang hindi naman idinamay ang kasama nitong babae.

ANTIPOLO CITY BARANGAY MAYAMOT GINNIE SAN ANTONIO LEANDRO YANGUAS MARIEL ALMARIO MEDICAL CENTER NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION RIZAL SOLIVEN AVE TOYOTA FORTUNER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with